FREE Financial Literacy Series
Paano nabuo ang financial literacy series?
- Layunin ng AFPMBAI na mapaunlad ang financial literacy ninyong mga members upang masiguro ang mga financial plans ninyo
- Dahil ongoing pa rin ang COVID-19 pandemic, naghanap ng iba’t-ibang paraan ang Asosasyon upang maibigay ang makabuluhang impormasyon tungkol sa financial literacy sa inyong mga members, habang nananatiling safe at convenient ang learning
- Ang Money Talks: Usapang Investment series ay FREE at maitutulad sa AFPMBAI face-to-face information drives / caravans noon
Paano ako makakasali / makakapanood nung series?
- Ipapadala ang mga invitation at Zoom link ng series sa mga members via email
- Pwede ring mapanood ang series sa official FB page ng AFPMBAI
TUWING KAILAN ANG SERIES?
- May anim (6) na episodes ang series na ipapalabas live kada ikalawang Biyernes ng buwan, mula 2pm-3pm, simula ngayong June 11.
Sino ang resource speaker ng series?
- Si Omeng Tawid ay isang leading financial literacy advocate ng personal finance sa pamamagitan ng kanyang blog na smartpinoyinvestor.com. Siya ay Chemical Engineer turned Registered Financial Planner, at isa ring IT Consultant sa isang global technology company. Ang kanyang interest sa technology at personal finance ang nagbigay daan upang mabago niya ang buhay ng libo-libong Pilipino sa buong mundo.
May papremyo ba ang series?
- Libre ka nang matututo tungkol sa financial literacy, may chance ka pang manalo ng P500 cellphone load kung masasagot mo ng tama ang katanungan sa end ng bawat episode