Sa aming minamahal na AFPMBAI Members:
Malugod po naming ipinapaalam na maaari na po ninyong kunin sa pinakamalapit na AFPMBAI Branch o Extension Office ang inyong 2023 Policy Dividends simula Monday, 03 June 2024.
Ang makatatanggap po ay ang mga miyembrong may in-force participating Permanent Insurance, gaya ng College Education Plan, Saver’s Protection Plus, 10-Year Endowment Plan, at E-56 Retirement Plan, na nasa ikaapat na taon pataas nang nagbabayad.
Proseso ng pag-claim:
Makipag-ugnayan lang po sa kahit saang AFPMBAI Branch o Extension Office at pakidala ang inyong Service/ Valid ID (unexpired). Para malaman naman ang Branch o Extension Office na pinakamalapit sa inyo, bisitahin lamang po ang link na ito: https://bit.ly/AFPMBAILocation